General

40-anyos na lalaki positibong nahawahan sa Chiba Prefecture

Kumpirmadong nahawahan ang isang 40-anyos na lalaki ng bagong coronavirus sa Chiba Prefecture.

Ayon sa Chiba Prefecture, nagkaroon ng ubo at body malaise ang lalaki noong ika-14 ng buwang ito. Kumonsulta sa isang medical institution ang lalaki dahil sa lagnat nito na umabot sa 38.2 degrees noong ika-18 at makalipas ang isang araw nadiskubreng positibo sa pneumonia ito at nagpositibo sa impeksyon na coronavirus kahapon ika-22 ng Pebrero. Walang record na lumabas ng bansa ang nasabing lalaki o kaya naman ay nakisalamuha sa kahit na sinong positibo sa virus o nagpunta sa kahit saang lugar na positibo nito. Nagtatrabaho sa  isang company sa Tokyo ang lalaki at nagrereklamo na umano ito ng pagkaramdam ng bigat ng katawan at sakit sa kasu-kasuan noong ika-12 pa lamang, Ngunit humayo pa rin ito at tumuloy sa isang business trip sa Hiroshima at Gifu prefecture bago pa nito malaman na sya ay positibo sa impeksyon. Ito na ang ika-10 kaso ng positibong nahawahan ng virus sa Chiba prefecture.

Source: Youtube

To Top