Accident

4,000 sugatan, 78 patay sa magkakasunod na malalakas na pagsabog sa Lebanon

Ginulat ng isang malakas na pagsabog ang Beirut, kapital ng Lebanon sa Middle East. 78 katao ang idineklarang patay, at nasa humigit kumulang 4000 ang sugatan. Noong hapon ng August 4, 2020, narinig ang magkasunod na malalakas na pagsabog sa Port ng Beirut. Ayon kay Lebanon President Aun, may 2750 tonelada ng kemikal na  ammonium nitrate ang nakaimbak sa warehouse kung saan nangyari ang pagsabog. Ito umano ang itinuturong isa sa mga dahilan ng magkasunod na malalakas na pagsabog. sa ngayon ay nasa 78 katao pa lamang ang naitatalang patay at nasa 4000 ang nasugatan, isa na rito ay isang hapones na naisugod na at kasalukuyang ginagamot sa isang hospital dahil sa mga nakuhang pinsala sa kamay at paa dulot ng mga nabasag na salamin ng bintana dahil sa lakas ng pagsabog.

Nadinig din umano sa Cypurs sa Mediterranean may 180km ang layo mula sa Beirut ang lakas ng pagsabog.

https://youtu.be/s8tmjLQa_sw

Source: ANN NEWS

To Top