General

40’c degrees inaasahang temperatura ngayong weekend sa ilang parte ng Japan

Ngayong katapusan ng linggo inaasahang aakyat na naman sa 40’c degrees ang temperatura. Sa ganap na alas 9 bukas ng umaga, maraming lugar ang papalo ng higit sa 30’c. Pagkatapos ay papalo ng hanggang 35’c sa ibang lugar, mukhang magiging mainit ng higit sa 35 degrees sa halos kabuuan ng Kanto hanggang Kyushu bandang 2:00 pm. Kung titignan ang maximum temperature sa bawat rehiyon, ito ay nasa 40 degrees sa Kawanehon Town sa Shizuoka Prefecture. Inaasahang magiging mapanganib ang pagtaas hanggang sa 39 degrees sa Tajimi sa Gifu prefecture at Isesaki sa Gunma prefecture.

Sa Nagoya ay inaasahang aabot ng hanggang 38 degrees sa pinakahuling forecast. Iwasan ang paglabas sa kasagsagan ng init bandang tanghali at mag-ingat sa heat stroke. Inaasaha

Pinapayuhan ang lahat na bigyang pansin ang biglang pagbabago sa klima dahil hindi pa rin stable ang panahon magpasa-hanggang ngayon. Ang hilagang parte ng Japan ay inaasahang magiging maulan hanggang bukas. Ngunit simula Linggo ay magiging maaraw kung kaya’t pinapayuhan ang lahat na mag-ingat sa heat stroke.

Source: ANN News

To Top