462 na kaso ng hawahan naitala sa Tokyo, Summer heat hindi tumalab upang mabawasan ang bilang ng impeksyon sa lugar
Isang pambihirang pagkakataon sa panahon ng tag-init at pandemya. Ito na ang naitalang pinakamainit na araw ngayong taon sa Lungsod ng Tokyo, kung saan inilabas ang pinakaunang Heatstroke Alert. Ito ay inihayag na “special summer” na walang kahit anong olympics or highschool baseball event. Ngunit ang temperatura ay hindi nagbago.
Kahit na sobrang init ay tila wala itong pagbabago sa mga kaso ng hawahan sa lugar, ang bilang ng mga nagpositibo ngayong araw ay umakyat na sa 462. Ito ang unang pagkakataon na lumagpas sa 400 ang bilang ng mga nagpositibo sa isang araw matapos ang 6 na araw.
Apektado rin ang mga bata ngayong tag-init, 7 sa mga bata sa elementarya sa Adachi Ward ang isinugod sa hospital dahil sa heat stroke.
https://youtu.be/cnn8Df40O5w
Source: ANN NEWS