General

ALYSSA SUZUKI: TURNS 3 CHAIRS AT “THE VOICE KIDS PH”

MANILA – Napa-wow ni Alyssa Suzuki ang mga judges ng “The Voice Kids” sa Pilipinas nitong nakaraang linggo makaraang kinanta niya ang klasikong musika ni Basil Valdez na “Ngayon”. Napabilib niya ang tatlong judges na sina Leah Salonga, Bamboo at Ms. Sharon Cuneta dahil sa galing nitong magsalita ng wikang Tagalog kahit na siya’y may lahing hapon.

“Ang ganda-ganda ng boses mo. Ang ganda ng song choice mo, very appropriate para sa isang batang katulad mo. Parang walang effort, kahit ang taas taas na ng (notes),” ani ng Broadway star na si Leah Salonga.

“You nailed it. Simpleng simple You just nailed it.” dagdag pa ni Bamboo Mañalac.

Samantala, sinusubukan naman ni Miss Sharon Cuneta na sa kanyang team sumali si Suzuki bilang dahil mas magaling siyang mag-Tagalog.

“Please join my team… Sabi ng daddy ko, ‘Psst, kalabitin mo yung anak mo, sabihin mo dun na lang siya sa anak ko. Magaling sa Tagalog yun eh.’ Pero ang masasabi ko lang, ito ang forte ko, anak.” dagdag pa ni Cuneta.

Ngunit ang pinili pa rin ni Suzuki ay si Mañalac, siya ang ikalimang miyembro ng Kamp Kawayan at ang ibang nauna ay sina Hans Gerald Santos, Xylein Herrera, Justin John Alva, and Aiken Ramos.

SOURCE: ABS-CBN NEWS

To Top