5 katao ng kaso ng positibo, naitala ngayong araw sa Tokyo
Ayon sa taong nababahala, limang bagong kaso ng bagong coronavirus ang naiulat sa Tokyo noong ika-17. Kasunod ng ika-9 sa ika-15 ng buwan ng Mayo, hindi lumalampas ng higit sa 10 kaso ang naitatala sa mga araw na iyon. Nangangahulugan na maganda ang epekto ng paghihigpit ng syudad para sa seguridad ng mamamayang nasasakupan nito sa laban nito upang maiwasan ang higit na paglaganap ng virus sa lugar at maiwasan ang outbreak. Ngunit huwag pakampante dahil hindi pa tayo nakakatiyak sa health safety ng lahat sa mga susunod na araw. Sa ngayon ay pinaghahandaan pa rin ng bansa ang posibilidad para sa tinatawag nilang ” second wave ” sakali mang alisin na ng tuluyan ang state of emergency para sa mga natitirang lugar na nakapaloob dito at magbalik na sa regular business hours at magsimula na muli ang operasyon ng mga establisyimentong pansamantalang ipinasara nang dahil sa coronavirus.
Source: ANN News