5 Lalaki ang arestado sa isa na namang kaso ng “money extortion” sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang biktima at sinasabing mayroon silang mga purchases online na hindi pa bayad. Ang siste, upang maiwasang madetect agad ng awtoridad, uutusan nila ang kanilang biktima na magbayad thru amazon gift tickets na babayaran sa mga convenience stores.
Amazon gift cards
Ang 5 suspek na sina Kawakami Junito (20), Ryo Fujisaki (31)at 3 pang kasamahan nito ay tumawag umano sa biktima na nasa 50’s at isang civil servant sa loob ng 50 years at nakatira sa Hokkaido noong buwan ng Oktubre last year. Ayon sa Metropolitan Police Department, sinabi umano ng mga suspek na may standing balance ang biktima dahil sa pag-access ng paid movie sites na ginagamit umano ng biktima. At kanilang sinisingil ang mahigit 1 Million yen na utang umano ng biktima sa pamamagitan ng Amazon gift cards. Marahil ay iniiwasan ng mga suspek na mahuli ang pangii-scam kung sakaling idaan sa bangko o alinmang money transfer service, kung kaya’t upang hindi mapaghinalaan ay sa pamamagitan ng amazon gift card ipinadadaan ang bayad na makukuha mula sa biktima.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang grupo ni Kawakami at sa tingin nila ay mayroon pang ibang biktima na hindi bababa sa 100Million yen ang nakukuhang pera mula sa mga ito.
https://www.youtube.com/watch?v=HFZUj4qAhrs