Beauty

5 Simple Tips to be Fit

Papalapit na ang summer fun! Marami na naman sa ating mga kababaihan ang nangangamba sa pagsusuot ng mga bikini at swimsuits para sa beach vacations. Narito ay ilan sa mga tips upang maging slim, fit and healthy ang summer mo!

 

#1. Always watch what you eat.

 

Achieving a balance diet is always the first step if one wants to become fit. Kung medyo malusog ka ng konti at gusto mo talaga ng magandang pangangatawan, diet sa pagkain o natural diet ika nga.

 

#2. Complete your beauty rest.

 

Make sure to complete 7-8 hours of sleep for adults. Iwasan ang madalas na pagpupuyat. Kapag madalas ang pagpupuyat ng isang tao, napapadalas ang pagiging sensitibo at mainitin ang ulo. Hindi makakapag-concentrate ang isang tao sa pang-araw araw na gawain at trabaho.

 

#3. Don’t skip exercise.

 

Maraming maaaring gawing ehersisyo sa pang-araw araw. Uso na ang zumba at mga gym. Pinaka madali at cheap na paraan ng ehersisyo ay ang paglalakad at pag-jojogging. Importante ang pagkilos, paggalaw at pagpapawis sa araw-araw upang mabawasan at mailabas ang toxins ng ating mga katawan. Kung ano man ang kinain ay dapat ding mailabas sa paraan ng pag wowork-out.

 

#4. Don’t just rely on diet pills.

 

There’s really no shortcut to achieve a fit and healthy body. Ang mga pampapayat na pills at kung ano ano pang nakikita sa advertisement ang kadalasang nagiging dahilan ng “rebound”, marahil hindi ito sasangayon at tutugma sa katawan at sistema ng isang tao. Mainam na ipakonsulta sa doctor at mga nutritionist bago magsimula sa inyong dietary plans.

 

#5. Be patient.

 

Don’t be in a hurry. Good things takes time and are worth the wait. Ang pag eehersisyo at pag wowork-out ay nakakatamad sa umpisa. Ngunit kung may determinasyon kang marating ang goals mo, ay dadating ang panahon na magugulat ka na malaki na ang nabawas sa iyong timbang. Maging aktibo at disiplinado sa gagawing hakbang patungo sa healthy lifestyle.

 

Source: BuzzJapan

 

To Top