Crime

5 taong pagkabilanggo, ipinataw sa Babaeng pumatay at umabandona sa baby nito

Isang babae ang nahatulan ng 5 taong pagkakabilanggo dahil umano sa sadyang pagpatay at pag-abandona sa baby nito para lamang hindi makasagabal sa paghahanap nito ng trabaho. Ang suspek na kinilalang si Koyuri Kitai, 24-taong gulang ay naakusahan ng sadyang pagpatay sa baby nito matapos ipanganak sa isang public toilet sa Haneda Airport at iniwan ito sa isang parke noong buwan ng Nobyember nang college student pa lamang ito. Ang Tokyo District Court ay tinukoy na ang pangyayari ay isang mabigat at hindi makatarungang krimen na sinadya. Doon din nadiskubre ang motibo sa krimen, na kaya umano pinatay ang sanggol ay pang hindi ito makasagabal sa paghahanap ng trabaho ng babae, ang motibong ito ay napakamakasarili.

 

Source: ANN NEWS

To Top