General

5,083 Foreign Trainees Lost in Japan in 2015

foreign trainees lost in japan

Noong 2015, humigit kumulang na 5,083 foreign trainees ang di-umano’y nawala habang  sila ay nagtatrabaho sa Japan ayon sa  pahayag ng Immigration Bureau ng  Justice Ministry. Dahil dito, kumalat ang mga alegasyon na ang mga ito ay naging biktima ng black market labor. Ayon sa mga batikang observers ng bansa, ang technical intern program ay maraming butas o  pagkakamali, kung kaya’t ito ay binansagang animo’y slavery o isang uri ng pang aalipin.

Foreign Trainees Lost in Japan

Ayon sa estadistika, ang 5,083 foreign trainees ay binubuo ng 3,116 Chinese, 1,705 na Vietnamese, 336 mula sa Myanmar, 250 Indonesians at 102 katao mula sa Nepal. Sa pagtaya ng Japan Ministry, ang ganitong masalimuot na kalakaran ay tumagal ng halos limang taon sa kabila ng paglago ng mga bilang ng mga foreign trainees na nagnais na magtrabaho sa Land of the Rising Sun. Ang mga foreign nationals mula sa China ang nanguna sa listahan na may kabuuang bilang na 3,000.

Sinabi ng isang tanyag na opisyal ng Immigration Bureau na si Hiroto Watanhiki, ang mga foreign trainees na umalis sa  kanilang mga trabaho ay naghahanap ng mas mataas na sahod. Bunsod nito , sila ay nagpunta sa Japan upang bigyang katuparan ang kanilang mga pangarap. Sa paglipas ng mga  panahon, ito ay lumalala at ang Immigration Bureau ay humahanap ng mga karampatang solusyon upang ito ay maitama at malapatan ng karampatang solusyon.

Trainee Expansion Program Proposed

Ang ahensiyang naatasan na tutugon sa suliraning ito ay may planong palawakin ang trainee program kahit na patuloy na lumiliit ang population ages. May mga bills rin  na inihain tulad ng pagsugpo sa exploitation and rights abuses ng mga trainees at ang pagpapalawig ng sakop nito kasama na ang mga caregivers sa mga darating na panahon. Dito rin napapaloob ang pagkansela ng visa ng mga AWOL trainees sa Japan.

Featured image source

To Top