Ayon sa news na ito, nahuli ng Nagoya immigration ang 51 Indonesian sa ginawang raid sa isang car parts factory sa Aichi Toyota City today February 1. 46 sa mga ito ay mga overstayer, na nakapasok sa Japan bilang mga tourist, then 5 naman ay under refugee application na walang permit para mag trabaho.
Isinasagawa ngayon ng immigration ang paghahanda para sa mass deportation ng mga nahuli kasabay na rin ng investigation ng company na nag-hire sa kanila ayon sa news.
Ayon sa Nagoya Immigration, nagsagawa nadin sila ng investigation sa factory na nabanggit noong January 26 kung saan nalaman nilang 61 foreigners ang mga nagtatrabaho dito at 51 nga sa mga ito ay walang kaukulang permit para magtrabaho kung kaya’t isinagawa nila ang raid.
Source: http://jp.wsj.com/articles/JJ12644873903355083779018719539204089210856