56 Patay, 17 nawawala dahil sa baha at walang tigil na pag-ulan sa Kyushu
Ito na marahil ang maitatalang pinakagrabeng pag-ulan sa buong bansa. Magpasahanggang ngayon, 54 katao na ang namamatay sa Kumamoto prefecture, 2 rito ay inatake sa puso at ang 10 naman ay nawawala pa at hindi pa natatagpuan. Sa Fukuoka prefecture naman ay may naitalang 2 taong namatay. May ilan namang naiulat na nawawala sa Oita at Kagoshima. May 3,900 na tao sa Gero at Takayama cities sa Gifu Prefecture ang apektado kung saan ay umapaw na ang tubig mula sa Hida River at nasa 288 na customers at employees naman ng isang Hotel sa Kamikochi sa Nagano prefecture ang nastranded gawa ng mga landslides sa naturang lugar na nakaharang sa mga kalsada kung kaya’t wala silang madaanan.
Source: ANN News