MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Luzon, 5:11 p.m. ng hapon, Lunes.
Itinaas ito mula sa naunang ibinalitang 5.7 magnitude na lindol na nagmula sa Castillejos, Zambales.
Nasa tatlo na ang napabalitang patay matapos maipit ng pader sa San Fernando, Pampanga sabi ni Gov. Lilia Pineda, ayon sa ulat ng The STAR.
Sa inisyal na ulat, kinukumpirma pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang ulat tungkol sa diumano’y limang casualty.
Narito ang iba’t ibang naitalang intensity
Intensity V
- San Felipe, Zambales
- Malolos at Obando, Bulacan
- Quezon City
- Lipa, Batangas
- City of Manila
- Abucay, Bataan
- Valenzuela City
- Magalang, Pampanga
Intensity IV
- Pasig City
- Makati City
- Caloocan City
- Meycauayan at San Jose Del Monte, Bulacan
- Floridablanca, Pampanga
- Villasis, Pangasinan
- Tagaytay City
- Villasis, Pangasinan
- Baguio City
- Marikina City
- Las Pinas City
Intensity III
- Dasmarinas, Indang at Gen. Trias, Cavite
- Lucban, Quezon
- Muntinlupa City, Cabanatuan City
- Palayan City
- Gapan City
- Santo Domingo at Talavera, Nueva Ecija
Intensity II
- Baler, Aurora
Maaaring makita ang pinagkaiba-iba ng mga intensity rito.
Epekto sa iba’t ibang lugar
Dali-daling lumabas ng kani-kanilang mga gusali’t kabahayan ang mga residente’t empleyado sa iba’t ibang bahagi ng Luzon matapos ang insidente.Patuloy pa rin namang minomonitor ng Philippine Red Cross ang sitwasyon matapos ang nangyari.
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/04/22/1911663/61-magnitude-na-lindol-naitala-sa-zambales-pagyanig-dama-sa-ncr#tfacwYu2x8xqWu4f.99