Busy ang lahat sa atin at karamihan ay hindi na magawang mag-ehersisyo. Madalas ay nauuwi ito sa pagiging overweight o obese. Ngunit may mga paraan ba kung saan di na natin kailangan pang mag-ehersisyo pero tayo ay makakapagbawas ng timbang? Atin ang alamin ang ilan sa mga paraan kung papano natin ito gagawin. Heto ang mga no exercise weight loss tips para sa mga busy.
Uminom ng Maraming Tubig
Damihan natin ang pag-inom ng tubig. Kadalasan, ang akala natin, tayo ay nagugutom pero ang totoo niyan ay nauuhaw lamang. Kung kayat uminom ng maraming tubig lalo na pagkagising, bago kumain, at bago matulog.
Iwasan din ang pag inom ng soft drinks dahil sa mga inuming matatamis ay tiyak na magpapadagdag ng timbang sa atin. Uminom na lang ng tubig o mga inuming walang asukal.
Bawasan o Iwasan ang Alcoholic Drinks
Hinay-hinay sa alcohol dahil ito ay pinagmumulan ng maraming calories. May 150 calories sa isang 12-ounce na beer, 85 calories sa 3.5-ounce na baso ng vino, at mas marami sa mga mixed alcoholic drinks na tinatayang katumbas na rin ng pagkain ng dessert o minatamis. Tandaan: kung gustong magbawas ng timbang, uminom ng maraming tubig at bawasan o dili kaya ay iwasan ang pag-inom alcoholic drinks.
Tumayo
Tumayo ng matagal. Sa paraang ito, mababawasan ang ating timbang. Kunwari ay nasa trabaho ka, tumayo ka sa harap ng iyong computer habang nag-tratrabaho. Ang pagtayo ay nakaka-burn ng hanngang 500 calories. Kung ikaw ay nakaupo ng matagal, paniguradong lalo kang tataba dahil sa sedentary lifestyle.
Prutas at Gulay
Kumain ng maraming prutas o gulay dahil ang mga ito ay sagana sa fiber. Sinasabing mabilis ang pagtunaw dito kesa sa karne. Sa prutas at gulay, tiyak na ikaw ay magiging mas healthy at sexy.
Stress
Cool ka lang. Ang iba sa atin, kapag nai-istress ay kumakain ng marami. Kaya kapag ikaw ay stressed, magpahinga, magdasal, mag-yoga o subukan ang iba pang bagay na nakakapagbigay ginhawa upang ikaw ay kumalma.
image credit: TipsTimesAdmin/Flickr