Crime

63-Anyos na Babae at Anak nito, Arestado Dahil sa Lihim na Pagkuha ng Video sa mga Babae sa Bathing Facility sa Nagoya

Inaresto ng Aichi prefectural police ang isang 63-anyos na babae at ang kanyang 37-anyos na anak na lalaki sa hinalang paglabag sa public nuisance ordinance ng prefecture sa pamamagitan ng palihim na pagkuha sa mga babae sa dressing room at paliguan ng isang bathing facility.

Nakilala ang mga suspek na sina Satomi Seki, isang manggagawa sa opisina, at ang kanyang unemployed son na si Akinori. Sinabi ng pulisya na inamin ni Satomi ang kaso at binanggit na sinabi ng kanyang anak na pinilit siya na gawin ang pamboboso.

Sinabi ng pulisya na gumamit si Satomi ng miniature camera para lihim na kunan ng video ang mga babaeng hubo’t hubad sa pagitan ng 7:55 pm at 8:55 pm noong Disyembre 30. Napansin ng mga parokyano at staff si Satomi na kahina-hinalang gumagalaw sa loob ng bathhouse at siya ay ikinulong hanggang sa ipatawag ang mga pulis. Siya ay inaresto noong gabing iyon, habang si Akinori ay inaresto noong Enero 4.

Sinabi ng pulisya na bahagyang itinanggi ni Akinori ang mga paratang sa pamamagitan ng pagsasabing, “Bagaman inutusan ko ang aking ina kung ano ang gagawin, hindi ako lubos na nakipagsabwatan sa kanya.”

To Top