6,800 na puno ng Cherry bloosoms nationwide apektado ng exotic bettle
Nadiskubre na humigit-kumulang 6,800 na mga puno ng cherry blossoms nationwide ang nasira nang dahil sa larvae ng foreign bettle na Cerambycidae na kumakain at pumapatay sa mga puno ng sakura. Sa simula, ang larvae ng foreign bettle na “Kubia Katsuakamikiri” na nagmula sa China ay kinakain ang loob ng puno hanggang sa ito ay mamatay. Mahigit 40% na ng mga sakura trees sa Gunma Prefectural Tatebayashi High School ang namatay ng dahil sa pesteng ito.
Ang Kubia Katsuakamikiri ay nadiskubre sa Saitama Prefectue 9 na taon na ang nakakaraan, at patuloy na kumalat sa buong bansa. At sa isang ANN interview, nadiskubreng mahigit 6,800 na ang punong nasisira ng dahil dito mula noon hanggang sa buwan ng Marso ng taong ito. Patuloy na gumagawa ang pamahalaan ng mga hakbang upang masolusyonan ang problemang dulot nito, at Nagbibigay ang Ministry of environment ng mga subsidies sa mga lokal na gobyerno na gumagawa ng iba’t ibang paraan upang masugpo ang pamemeste ng nabanggit na exotic bettle.
Source: ANN News