7-ELEVEN at mga Kapulisan
May pagbabago sa Japan? Ang pinakamalaking chain ng convenience store sa Japan, ang Seven-Eleven at ang mga kapulisan ay nagsasagawa at magkasanib na pagsasanay sa pagsugpo ng Pagnanakaw. Sa simulation, ang isang pekeng magnanakaw ay nagbabanta sa mga tauhan gamit ang isang laruang kutsilyo at tumakbo palayo upang ang mga tauhan ay makapag-trigger ng isang alert system na naglalarawan sa suspek. Noong ika-7, humigit-kumulang 90 mga tindahan sa Tokorozawa City, Saitama Prefecture ang lumahok sa drill kasama ang tunay na pulis.
Ang layunin ng drill ay upang maiwasan ang krimen, pinsala sa mga tauhan at sanayin sila na mag-ulat ng wastong paglalarawan ng mga pinaghihinalaan.
Ang lungsod ng Tokorozawa ay nakapagtala ng isang pagnanakaw sa convenience store ngayong taon.
Pinagmulan: ANN News