7-Eleven Nursery School
Nagbukas ang Seven – Eleven Japan ng isang nursery facility para sa mga employees ng kanilang affiliated stores. Ito ay kauna-unahan sa industriya ng
convenience store. Ito ay naglalayon na makapagbigay ng trabaho sa mga may anak na hindi makapagtrabaho dahil walang mahanap na mapapasukan na nursery para sa kanilang anak at upang mabawasan ang labor shortage.
Ayon sa isang babae na bagong employee: “dahil mahirap makahanap ng nursery, nahirapan ako makahanap ng trabaho.”
Magbubukas ang Seven – Eleven Japan sa Tokyo, Ota Ward sa susunod na buwan at ang nursery facility ay matatagpuan sa 2nd floor ng store at tatanggap ng mga batang 3 years old pababa simula 8 am hanggang 8 pm tuwing weekdays. Hindi lamang sila tatanggap ng mga anak ng kanilang empleyado kundi tatanggapin din nila ang mga anak ng mga locals. Sa ngayon, magbubukas muna sila sa Tokyo at Hiroshima city, at pinaplano na din na magbukas nationwide.
Source: ANN News