News

7 sa 19 na “infected” ng bakteryang nagmula sa Australia, PATAY

Nakapasok din sa bansang Japan ang mga melon na kontaminado ng bakteryang Listeria monocytogenes na nagdudulot ng “food poisoning” sa sinumang makakain ng mga pagkaing kontaminado nito.

Ayon sa WHO (World Health Organization), inihayag nila na noong ika-9 ng Abril na ang mga melon na kontaminado ng bakteryang Listeria monocytogenes mula Australia ay inexport sa 9 na bansa at mga rehiyon kasama na ang Japan at Malaysia. Sa Australia, mula Enero 19 na tao na ang apektado na kung saan ay 7 ang kumpirmadong namatay dahil dito.

Hinala ng WHO ay maaring may koneksyon ang environmental factors at ang klima sa pagkakakontaminado ng mga melon, sapagkat imposibleng may maiwan pang mga fungi matapos magdaan sa quality control at paghuhugas ng mga melon para sa exportation. Pinag-iingat ang mga buntis at ang mga matatanda na maaring nakakain ng mga ito. Kung may nararamdaman, magpasuri sa doktor at agad na magpaunang lunas bago pa lumala.

Source: Asahi-tv, ANN news

7 sa 19 na “infected” ng bakteryang nagmula sa Australia, PATAY
To Top