General

78 katao positibo sa Tokyo, 7 sa mga nahawahan pumanaw na

Noong nakaraang buwan sa Tokyo, 78 katao ang positibo na nahawahan ng new coronavirus. Inilahad din nito na 7 na sa nahawaang tao ang namatay. Ang 78 katao ang pinaka-mataas na bilang ng nagpositibo sa isang araw, at 49 dito ang hindi alam kung saan at paano sila nahawahan. Sa batayan ng edad, halos 70% ng 54 katao ang nasa ilalim ng edad na 50, at ang mga impeksyon sa kabataan ay tumataas na rin.

Pahayag ni Gobernador Koike: “Labis akong nag-aalala tungkol sa pataas ng pataas ng bilang ng nahahawahan sa isang araw. Iniisip ko kung anong bilang na naman sa susunod na araw ang lalabas sa mga magpopositibo sa virus.” Samantala, ang pitong nahawaang tao sa kanilang 50’s at 70’s ang namatay,  Lima sa mga ito ay in-patients sa Yongju General Hospital sa Taito City, kung saan higit sa 100 kaso ang kumpirmadong positibo sa virus.

Source: ANN News

To Top