Accident

8 katao patay sa nasunog na aircraft sa Naia runway

Ang isang eroplano na nagtangkang bumiyahe sa paliparan ng Maynila papunta sa Haneda Airport , noong ika-29 ng gabi ay nasunog, na pumatay sa lahat ng walong katao sakay nito. Ayon sa mga awtoridad ng Pilipinas, papunta sana ang eroplano sa Haneda Airport  at papaalis na sa paliparan ng Naia. Walo ang mga pasahero, kabilang ang mga tauhan ng medikal, mga pasyente at ang kanilang mga attendants, lulan ng chartered airplane, at lahat ng ito namatay sa sunog. Lulan ng nasabing eroplano ang mga kalalakihan at kababaihan na pawang nagmula sa Pilipinas, Canada at Estados Unidos , at hindi mga Japanese. Sarado ang runway sa ngayon at iniimbestigahan ng mga awtoridad ng Pilipinas ang sanhi ng aksidente, tinitignan ang anggulo ng  “ilang mga posibleng technical trouble na maaring sanhi ng pagkatupok ng eroplano bago pa man ito tuluyang makalipad.”

Source: ANN News

To Top