8,000 piraso ng pekeng mask mula Uganda, Africa nasabat ng China Customs
Inanunsyo ng China Customs na peke umano ang import na high-performance masks na kanilang siniyasat. Ito ang unang kaso ng pag-iimport ng pekeng mask mula sa ibang bansa. Ayon sa litratong ipinakita, ang mask ay nagmula sa imported cargo sa Shanghai Customs. Isang kumpanya sa Guangdong Province ang nagdeklara ng 8,000 import ng 3M high-performance masks mula Uganda, Africa. Ngunit dahil sa pagdududa sa sampling inspection na isinagawa ng customs at kumpirmasyon na rin mula sa 3M. Napag-alaman na ang mga mask na dumating ay peke. Dito ay ipinaliwanag ng customs kung gaano kaimportante ang maging mapanuri sa panahon ngayon dahil ang pagiimport ng medical supplies ay isang life and health problem.
Source: ANN News