Crime

9 na hapon, 7 ang menor de-edad na-rescue sa Samal Island

Davao City: Narescue ng mga awtoridad noong nakaraang byernes ang 9 na hapon, 7 menor de-edad na pinaghihinalaang nabiktima umano ng panlilinlang ng kapwa nilang hapon na kung saan ay pinalabas umanong sila ay tuturuan ng wikang Ingles at Karate sa pilipinas.

Narescue ng Kapulisan ng Island Garden City of Samal at ng city social welfare personnel ang 3 babae at 6 na lalaking hapon na may mga dokumentong nagpapatunay na sila ay naninirahan na sa bansang pilipinas sa loob ng 12-15 buwan. Nauna ng nahanap ang naireport na 4 pang nawawalang kasamahan nilang nakatakas sa mga suspek at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Japanese Consulate sa pilipinas.

 

Mula kay Camp Crame, Chief Superintendent John Bulalacao,spokesperson of the Philippine National Police (PNP), nagpadala sya ng mensahe sa Viber sa Daily Manila Shimbun at kinumpirma nyang naresue nila ag 13 Japanese nationals, 10 ang menor de-edad sa Island Garden of Samal kasama ang iba pang lokal na representative ng gobyerno.

Nakita ang mga bata sa tirahan ng 2 hapon at isang pinay. Dinala ang mga suspect sa Babak Police Station para maimbestigahan. Sinampahan na ng kasong 5 counts of violation of the Republic Act 10364 or The Anti-Trafficking in Persons Act of 2012, and Republic Act 7610 or Anti-Child Abuse Law nitong nakaraang lunes, May 7,2018.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang 3 babaeng Japanese national at dinala sa Home of Girls and women at ang 6 namang lalaki ay pansamantalang dinala naman ng CSWD sa Samal.

Ayon kay Chief Inspector Milgrace Driz, regional police spokesman, nagulat ang mga pulis at ang social welfare personnel na makita ang mga batang Japanese national na naninirahan sa Purok 5 Camotes, Barangay Toril, Babak District.

Natuklasan ang nasabing ilegal na gawain ng mga suspek noong rumesponde ang mga pulis at social welfare personnel sa kanilang request ng assistance makaraang ireport nila ang nauna ng nakatakas na mga Japanese national na kung saan ay natagpuan rin nila sa kanilang paghahanap.

Dahil sa hindi magkaintindihan sa lengwahe, nagrequest ang naturang grupo ng assistance mula sa Japanese consulate at doon na nila nalaman ang modus ng mga suspek. Isinumbong ng 4 na nakatakas ang kanilang tunay na kalagayan sa kamay ng mga suspek. Sila raw at sapilitang pinagtatrabaho at inaabuso ng mga ito.

Dagdag pa ni Driz: “Voluntary at hindi sapilitan ang pagpapadala ng mga magulang ng mga bata sa pilipinas upang mag-aral ng English at Karate”.

Lumabas sa imbestigasyon na nakita lang umano ng mga magulang ng bata ang isang advertisement para sa English Language Course at Martial Arts sa pamamagitan ng Internet. Ayon pa sa report, nagpapadala ng sustento ang magulang na umaabot sa halagang 100,000php para sa mga bata ngunit 1,000php lamang daw ang nakakarating sa mga ito at ang iba ay kinukuha ng mga suspect. Wala ring lehitimong permit ang eskwelahan ng mga suspect para magoperate.

 

Credits to: Daily Manila Shimbun

9 na hapon, 7 ang menor de-edad na-rescue sa Samal Island
To Top