Dahil sa lakas ng bagyong “Jebi”/ typhoon 21, 9 na katao ang kumpirmadong patay sa lugar ng Osaka at Shiga.
Sa isang metal processing company sa Higashiomi City, Shiga Prefecture, isang 71-anyos na lalaki na nagtatrabaho sa nabanggit na kumpanya ang patay matapos madaganan ng nagibang parte ng nasabing kaisha. Samanatalang nahulog naman ang isang 75-anyos na lalaki mula sa veranda ng 2nd floor ng kanyang tirahan matapos tangayin ng hangin para kunin ang isang bahagi ng kanilang bubong na tinuklap ng malakas na hampas ng hangin at ulan na siyang dahilan ng pagkahulog nito at agarang pagkamatay.
Samantala, isang lalaki din ang kumpirmadong patay matapos magcollapse sa isang apartment sa Toyonaka city, Osaka prefecture, ayon sa ilang nakakita sa biktima. Nakatira daw umano ang nasabing 90-anyos na matandang lalaki sa 5th floor ng nasabing building, at posibleng tinangay din ng malakas na hangin ang nasabing matanda kaya nahulog ito at binawian ng buhay. At may mga naireport pang insidente ng kaparehas na senaryo sa Yokkaichi city ng Mie prefecture kung kaya’t umabot sa 9 na katao ang kumpirmadong patay sa Osaka at Mie prefecture lamang.
Patuloy pang tumataas ang bilang casualties sa nasabing lugar kung kaya’t pinapayuhan ang lahat na mag-ingat
https://www.youtube.com/watch?v=BWKvYqCJ0qw
Source: Youtube