90% ng mga kamang available para sa mga taong positibo sa virus, okupado na.
Halos mapuno na ang mga kama sa mga ospital na maaaring tumanggap ng mga pasyente na may bagong coronavirus ay nasa humigit kumulang 14,000 na ang bilang sa Japan, at halos 90% sa mga ito ay napuno na. Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, ang bilang ng mga kama na na-secure sa isang araw ay nasa 14,486 kama sa buong bansa. Tinatayang 31,077 na kama ang kinakailangan sa peak hours. Ang Tokyo ang may pinakamaraming bilang ng kama kung bawat prefecture ang pagbabasehan na nasa 2,000 units, ngunit noong ika-28 ng nakaraang buwan, mayroong 1,832 na inpatients at ang rate ng paggamit ay 90% o higit pa. Sa Ishikawa Prefecture, 150 sa 170 kama ang ginagamit, at halos 90% ng mga kama dito ay puno na. Nilalayon ng gobyerno na ma-secure ang 50,000 kama bilang paghahanda sakaling magkaoutbreak man sa hinaharap upang maasikaso ang mga positibong pasyente ng virus.
Source: ANN News