Crime

93-Anyos na Lalaki, Inaresto Matapos Tangkaing Patayin ang Kasama sa Parehong Hospital Room

Inaresto ng pulisya sa Kanonji, Kagawa Prefecture, ang isang 93-taong-gulang na lalaki na suspek sa tangkang pagpatay matapos niyang sakalin ang isang 85-taong-gulang na pasyenteng lalaki na kasama sa kanyang Hospital Room.

Ayon sa pulisya, sinakal ni Kozo Miyoshi, na nakatira sa Mitoyo, Kagawa Prefecture, ang biktima bandang ala-1 ng hapon noong Lunes. Nagawang pigilan ng mga staff si Miyoshi bago niya mapatay ang biktima na kasalukuyang walang malay at nasa kritikal na kondisyon,

Sinabi ng pulisya na si Miyoshi ay umamin sa kaso ngunit hanggang ngayon ay hindi nagbigay ng motibo.

To Top