INTERNATIONAL: Landslide sa Malaysia, Nag-iwan ng Hindi Bababa sa 16 na Patay, 17 ang Nawawala
Ang mga rescue effort ay isinasagawa matapos ang isang deadly landslide na nagbaon sa isang campsite malapit sa Kuala Lumpur.
Sinabi ng mga opisyal ng Malaysia na hindi bababa sa 16 katao ang napatay at 17 ang nawawala pa rin. Animnapu’t isang tao ang nailigtas.
Mahigit 400 personnel mula sa ilang mga ahensya ang na-deploy para sa mga search-and rescue operations.
Nangyari ang sakuna bandang 3 am lokal na oras noong Biyernes. Sinira ng slide ang isang campsite malapit sa isang organic farm sa labas ng kabisera.
Sinabi ng mga awtoridad na ang isang massive wave ng dumi at debris ay dumagundong pababa at tinakpan ang halos isang ektarya ng lupa.
Sinasala ng mga rescuer ang putik at mga natumbang puno. Ayon sa lokal na media, ang area ay prone sa landslides, na kadalasang na-trigger ng forest at land clearance.. Ang rehiyon ay kasalukuyang nasa tag-ulan din.
Sa ngayon walang Filipino national ang nasa listahan ng mga nasawi sa isang nakamamatay na Malaysian campsite landslide ayon sa Philippine Embassy sa Malaysia.
Nakikipag-ugnayan ang Embahada sa Filipino community sa Malaysia at nakipag-ugnayan sa mga awtoridad na sangkot sa search and rescue operations.