Economy

Japan plans full health insurance coverage for childbirth costs

Nilalayon ng Ministry of Health ng Japan na ganap na isama ang mga gastusin sa panganganak sa saklaw ng pampublikong health insurance, na mag-aalis ng bayarin na kailangang sagutin ng mga buntis. Ihaharap ang panukalang ito sa subcommittee ng medical insurance ng Social Security Council, na nagbibigay ng payo sa ministro ng Kalusugan. Maaaring isumite ang proposal sa Parlyamento sa susunod na regular na sesyon, na may target na implementasyon pagsapit ng 2027 o kalaunan.

Papaltan ng bagong sistema ang kasalukuyang lump-sum na tulong para sa panganganak, na kilala bilang childbirth subsidy, na tuluyang aalisin. Nilunsad noong 1994 na may initial amount na ¥300,000, unti-unti itong tinaasan sa paglipas ng mga taon upang makasabay sa pagtaas ng gastusin. Noong 2023, itinaas ito mula ¥420,000 patungong ¥500,000.

Gayunpaman, umabot pa rin sa ¥519,805 ang karaniwang halaga ng panganganak sa Japan sa fiscal year 2024, dulot ng inflation at iba pang salik na nagpapataas ng gastos. Malaki rin ang diperensya depende sa rehiyon: sa Tokyo, umaabot sa humigit-kumulang ¥650,000 ang gastos, samantalang nasa paligid ng ¥400,000 ito sa Kumamoto.

Source: Jiji Press

To Top