Inflation: Food price hikes drop nearly 60%
Inaasahang babagal ang pagtaas ng presyo ng pagkain at inumin sa Japan sa Pebrero, na may halos 60% na pagbaba sa bilang ng mga price hikes kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa isang survey, 195 malalaking manufacturer ang nagpaplanong magtaas ng presyo ng 674 na produkto sa susunod na buwan — mas mababa ito kumpara sa mahigit 1,600 pagtaas na naitala noong Pebrero ng nakaraang taon, kung kailan ang mga processed food ang may pinakamalaking bahagi ng mga pagtaas.
Nangunguna sa inaasahang pagtaas ang mga inumin, na may 298 na produkto, kabilang ang mga alcoholic beverage at soft drinks, kasunod ang 283 processed food items. Sa mga kumpanya, magtataas ang Kagome ng presyo ng mahigit 100 inumin ng hanggang 19.1%, habang magpapatupad naman ang Toyo Suisan ng pagtaas na 12% hanggang 16% sa mga produktong cooked rice ng Maruchan brand.
Sa kabila ng paghina ng mga pagtaas, nagbabala ang mga analyst na ang patuloy na paghina ng yen ay maaaring muling magdulot ng presyur sa inflation sa mga susunod na buwan.
Source: Jiji Press


















