Umabot sa 684 na produkto ng pagkain at inumin ang may pagtaas ng presyo ngayong Marso, bumaba ng 70% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Ito na ang ikatlong sunod na buwan ng pagbaba, hudyat ng paghina ng inflationary wave, ayon sa Teikoku Databank.
Sa kabila ng bahagyang ginhawa, nagbabala ang instituto na patuloy na pinapabigat ng mahinang yen ang gastos sa pag-aangkat ng mga produkto. Lumalala ang pangamba matapos ipangako ng Punong Ministro na si Sanae Takaichi ang pagtanggal ng buwis sa pagkain at inumin sa loob ng dalawang taon — isang hakbang na nagpapataas ng kawalang-katiyakan sa pananalapi ng pamahalaan.
Nangunguna ang mga processed food sa listahan ng may pagtaas ng presyo, na may 304 na item, kasunod ang 224 na inumin. Ang pagtaas ng presyo ng hilaw na materyales, packaging, at gastos sa paggawa ang nananatiling pangunahing dahilan ng patuloy na pressure sa mga presyo.
Source: Mainichi Shimbun