Shizuoka: Police arrest trio over illegal employment scheme
Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police Department ang tatlong suspek dahil sa umano’y pag-empleyo ng mga mamamayang Vietnamese na walang wastong pahintulot sa trabaho sa isang pabrika sa Fukuroi, sa prefecture ng Shizuoka.
Kabilang sa mga naaresto sina Kazuhiko Ida, 54, pinuno ng isang recruitment agency sa Iwata, at Yuya Usami, 45, na responsable umano sa pagkuha ng mga manggagawa para sa kumpanya. Pareho silang umamin sa mga paratang. Naaresto rin si Tetsuya Nakamura, 58, pinuno ng pabrika na Nippon Kenma. Ang mga kumpanya ay isinangguni na sa piskalya.
Pinaghihinalaan ang tatlo na tumulong sa ilegal na pag-empleyo ng apat na Vietnamese sa pagitan ng Nobyembre 2024 at Enero 2026. Ayon sa imbestigasyon, lumagpas umano sa bisa ng kanilang visa ang mga manggagawa matapos umalis sa mga technical internship program dahil sa mga alitan sa sahod at personal na sigalot.
Source: Jiji Press
