Yakuza drug bust in Yokohama
Inaresto ng pulisya sa Kanagawa ang dalawang lalaking pinaghihinalaang sangkot sa bentahan ng ilegal na stimulant drugs sa Tsurumi Ward, Yokohama. Ang dalawang suspek, na may edad na 33 at 44, ay sinasabing miyembro ng kilalang kriminal na grupo na Inagawa-kai.
Ayon sa pulisya, ibinenta umano ng mga suspek ang humigit-kumulang 0.2 gramo ng stimulant sa halagang 10,000 yen sa isang 45-anyos na lalaking Pilipino sa parking lot ng isang tindahan ng construction materials sa Kishitani, Tsurumi, noong Abril ng nakaraang taon.
Pinaniniwalaang nagsasagawa na sila ng bentahan ng ilegal na droga sa lugar mula pa noong Disyembre ng nakaraang taon. Natuklasan ang kanilang pagkakasangkot matapos suriin ang cellphone ng isang suspek na naaresto sa ibang kaso ng droga. Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang buong detalye ng insidente.
Source / Larawan: TVK TV Kanagawa
