Conflict pushes up international airfare costs
Dahil sa tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan, inaasahang itataas ng All Nippon Airways (ANA) at Japan Airlines (JAL) ang fuel surcharges sa mga international flights nang hanggang 100% simula Hunyo.
Ang pagtaas ay dulot ng pagmahal ng langis matapos ang mga pag-atake ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran. Nakabatay ang adjustment sa pagtaas ng presyo ng fuel sa pagitan ng Pebrero at Marso, na ginagamit bilang batayan para sa singil sa Hunyo at Hulyo. Ang surcharge ay nire-review kada dalawang buwan upang maibsan ang epekto ng pagbabago sa presyo ng fuel at palitan ng currency.
Para sa mga rutang papuntang Europa at Hilagang Amerika, maaaring umabot sa humigit-kumulang ¥55,000 sa ANA at ¥50,000 sa JAL ang surcharge. Tataas din ang singil sa mga biyahe papuntang China at Taiwan.
Nagbabala ang mga eksperto na maaaring makaapekto ito sa turismo at magdulot ng dagdag na pressure sa kita ng mga airline.
Source / Larawan: Yomiuri Shimbun
