Majority of japanese people plan to celebrate mother’s day, survey finds
Mahigit 60% ng mga tao sa Japan ang nagpaplanong gumawa ng espesyal para sa kanilang mga ina o biyenan ngayong Mother’s Day na ipagdiriwang sa Linggo, ayon sa isang survey na isinagawa ng research company na Intage Inc. na nakabase sa Tokyo.
Isinagawa online ang survey noong huling bahagi ng Marso at nakakuha ng wastong sagot mula sa 5,000 katao na may edad 15 hanggang 79. Sa humigit-kumulang 3,600 respondent na nagsabing mayroon silang ina o biyenan, 64.6% ang nagsabing balak nilang ipagdiwang ang okasyon sa anumang paraan.
Pinakamaraming sumagot na magbibigay sila ng mga matatamis at confectionery products, na umabot sa 21.2% ng mga kalahok. Sumunod naman ang mga bulaklak sa 17.6%, habang 14.4% ang nagsabing nais lamang nilang ipahayag ang kanilang pasasalamat sa pagsasabi ng “salamat.”
Ipinakita rin ng survey ang pagkakaiba sa pagitan ng inaasahan ng mga ina at plano ng kanilang mga anak matapos tanungin ang mga ina kung anong regalo ang ikatutuwa nilang matanggap sa Mother’s Day.
Source: Jiji Press
