Food

Middle East conflict: Kappa ebisen and potato chips turn black and white

Inanunsyo ng Calbee ang pagbabago ng packaging ng 14 nitong pangunahing produkto sa monochrome o black-and-white design, kabilang ang potato chips na Usushio Aji, Consomme Punch, Norishio, at ang sikat na Kappa Ebisen. Magsisimula ang pagbabago sa mga shipment mula Mayo 25.

Ayon sa kumpanya, ang hakbang ay dulot ng kakulangan sa printing ink na gawa mula sa naphtha, isang produktong nagmumula sa oil refining, na naapektuhan ng nagpapatuloy na krisis sa Middle East. Ipinaalam ng Calbee ang desisyon sa mga partner retailers noong Mayo 8.

“Depende sa magiging takbo ng sitwasyon, nakikita namin ang posibilidad ng karagdagang epekto,” pahayag ng kumpanya sa isang official statement. Inanunsyo rin ng gobyerno ng Japan na makikipagpulong ito sa mga kumpanya sa industriya upang talakayin ang supply ng tinta at naphtha.

Source:  Asahi Shimbun / Larawan: Calbee Inc.

To Top