Japan: Takaichi may freeze consumption tax later this year
Sinabi ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi nitong Miyerkules (20) na nais niyang alisin o i-freeze ang consumption tax (shōhizei) sa lalong madaling panahon. Nakadepende umano ang hakbang sa magiging kasunduan ng mga partido pulitikal na inaasahang pag-uusapan ngayong tag-init.
Gayunman, hati ang opinyon tungkol sa plano. Pinuna ng Organisation for Economic Co-operation and Development ang proposal at sinabing magastos ito at hindi maayos ang target na benepisyo. Samantala, tumaas ang interest rates ng Japanese government bonds, indikasyon ng pag-aalala ng merkado sa pampublikong pananalapi ng Japan.
Pinag-aaralan din ng gobyerno ang posibilidad ng karagdagang budget upang makatulong sa mamamayan. Nagpahiwatig din si Takaichi na bukas siyang makipagdayalogo sa China matapos lumala ang tensyon kaugnay ng mga pahayag tungkol sa Taiwan.
Source / Larawan: Kyodo
