Crime

Filipino arrested for alleged sexual abuse of minor in Gifu

Inaresto noong Miyerkules (27) sa Minokamo, Gifu Prefecture, ang isang 25-anyos na Pilipinong temporary worker dahil sa hinalang sexual abuse laban sa isang menor de edad na babae.

Ayon sa mga awtoridad, nangyari umano ang insidente noong Pebrero 21 sa lungsod ng Gifu. Nagkakilala umano ang dalawa sa pamamagitan ng social media, at iyon ang kanilang unang personal na pagkikita.

Nabunyag ang kaso noong Marso matapos ireport ng isang support organization para sa mga biktima sa Gifu Kita Police Station na isang estudyante ang umano’y nakaranas ng sexual assault.

Naaresto na ang suspek ngunit itinanggi niya ang mga paratang laban sa kanya.

Source: Gifuchan Digital

To Top