Japan expands social program for families and elderly workers
By
Posted on
Plano ng pamahalaan ng Japan na palawakin ang social support program nito upang maisama ang mga pamilyang may maliliit na anak, matatandang empleyado, at self-employed workers.
Pormal na iniharap ang panukala nitong Miyerkules (27) sa isang pulong sa pagitan ng ruling party at opposition parties.
Layunin ng bagong programa na palitan ang komplikadong tax credit system ng direktang cash benefits upang mapabilis ang implementasyon at mabawasan ang administrative burden ng mga lokal na pamahalaan at kumpanya.
Kasama rin sa plano ang pagtaas ng income limits at halaga ng suporta para sa mga pamilyang may anak. Sakop din nito ang mga low- at middle-income elderly na patuloy pang nagtatrabaho sa labor market.
Source / Larawan: Asahi Shimbun
