animals

Oso umatake sa residential area at nag-iwan ng mga sugatan

Isang Bear ang umatake at nag-iwan ng apat na sugatan nitong Martes ng umaga sa lungsod ng Fukushima, sa hilagang-silangang bahagi ng Japan. Ayon sa pulisya at mga bumbero, agad na dinala sa ospital ang mga biktima at nananatiling may malay.

Naganap ang unang pag-atake bandang alas-6:30 ng umaga sa isang steel factory, kung saan nasugatan ang dalawang empleyado — isa nasa edad 20 at isa naman nasa edad 60. Pagkatapos nito, nagtungo ang oso sa kalapit na residential area at inatake ang isang 80-anyos na babae at isang lalaking nasa edad 60.

Naniniwala ang mga awtoridad na patuloy pang gumagala ang oso sa lugar. Pinag-aaralan ngayon ng pulisya ang pagdedeklara ng state of emergency upang pahintulutan ang pagpatay sa hayop. Bilang pag-iingat, pansamantalang sinuspinde ng mga elementarya at high school sa paligid ang kanilang klase.

Nangyayari ang insidente kasabay ng pagdami ng mga pag-atake ng oso sa Japan. Ayon sa datos ng Ministry of the Environment, tatlong tao na ang namatay ngayong taon dahil sa pag-atake ng oso, habang dose-dosenang iba pa ang nasugatan sa mga bulubundukin, rural, at urban areas. Patuloy na nagbabala ang mga awtoridad sa mga residente at manggagawa sa mga lugar na may kamakailang bear sightings.

Source: Kyodo/NHK – Larawan: NHK

To Top