Powerful Earthquake Strikes Yamanashi
By
Posted on
Isang lindol na may magnitude 5.6 ang tumama sa silangang Yamanashi at sa rehiyon ng Fuji Five Lakes bandang 10:29 ng gabi nitong Biyernes (26) sa Japan. Naitala ang lindol sa lalim na 20 kilometro at umabot sa seismic intensity na 6-lower ayon sa Japanese scale.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, walang panganib ng tsunami. Naramdaman din ang pagyanig sa Kanagawa, Shizuoka, Tokyo, Chiba at Nagano. Sa ngayon, wala pang opisyal na ulat ng nasawi o malubhang pinsala, habang patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon.
Source: Yahoo! Japan
