News

Deadly water accidents raise alarm in Japan

Dumarami ang malubha at nakamamatay na aksidente sa mga water activities sa Japan ngayong tag-init at Obon season. Kabilang sa mga insidente ang jet ski accidents, malalakas na alon at agos, at mga taong walang suot na life jacket.

Sa isang trahedya, isang ama at kanyang dalawang teenager na anak ang tinangay papalayo sa dagat habang nakasakay sa inflatable water toy. Nasawi ang dalawang anak at wala sa tatlo ang nakasuot ng life jacket.

Ilang aksidente rin na kinasasangkutan ng jet skis ang naiulat sa iba’t ibang bahagi ng Japan. Pinapayuhan ang publiko na suriin ang kondisyon ng panahon at tubig, magsuot ng life jacket at unahin ang kaligtasan habang nagbabakasyon.

Source: Yahoo! Japan

To Top