Filipino workers gain ground in Japan
By
Posted on
Patuloy na lumalaki ang papel ng mga manggagawang Pilipino sa household cleaning services sa Japan dahil sa tumataas na demand at kakulangan ng workforce.
Mula 2016, pinahintulutan ang mga dayuhan na magtrabaho sa domestic cleaning services sa ilang special strategic zones. Kabilang ang mga Pilipino sa mga hinahanap na manggagawa dahil sa kanilang karanasan, kasipagan at pakikitungo sa mga kliyente.
Ang Pinay International ay mayroon nang mahigit 200 full-time Filipino workers sa Tokyo, Kanagawa, Osaka at Hyogo. Nagbibigay din ang kumpanya ng training at suporta sa tirahan at pang-araw-araw na pamumuhay. Lumalawak ang sektor kasabay ng pagdami ng dual-income households sa Japan.
Source / Larawan: Kyodo
