Japan plans new program for foreign residents
By
Posted on
Sinimulan ng gobyerno ng Japan nitong Martes ang pagbuo ng isang programa para tulungan ang mga dayuhang residente na matuto ng Japanese language at maunawaan ang mga lokal na sistema at patakaran.
Isang working group na binubuo ng anim na miyembro ang susuri sa istruktura at nilalaman ng programa. Target ng gobyerno na subukan ang programa sa fiscal year 2028.
Ayon sa mga opisyal, layunin nitong gawing mas madali para sa mga dayuhan ang mamuhay at magtrabaho sa Japan sa medium at long term. Binigyang-diin din na mahalaga ang sapat na kaalaman sa Japanese language para sa mas maayos na pamumuhay at pakikibagay sa bansa.
Source: Jiji Press
