General

Filipino women face aging crisis in Japan

Ang mga Filipinang dumating sa Japan noong 1980s at 1990s ay tumatanda at nahaharap ngayon sa mga hamon tulad ng pagreretiro, kakulangan sa pera at pamumuhay nang mag-isa.

Noong Disyembre 2025, humigit-kumulang 350,000 Pilipino ang naninirahan sa Japan. Mahigit 60% ay kababaihan, at pinakamalaki ang grupong may edad 55–59, na may 31,297 katao.

Marami ang nanatili matapos magtrabaho o magpakasal sa Japanese. Ngayon, ang ilan ay balo, diborsiyado o namumuhay nang mag-isa. Pinipili ng iba ang Japan dahil sa healthcare, trabaho at social infrastructure, habang iniisip naman ng iba ang pagbabalik sa Pilipinas dahil sa matibay na ugnayan ng pamilya.

Nagbabala ang mga support group na maaaring dumami ang matatandang Pilipinong mangangailangan ng tulong dahil sa isolation, language barriers at mababang pension.

Source: Mainichi Shimbun

To Top