Crime

Teacher fired over urine in student’s bottle

Isang lalaking guro na nasa edad 20s ang sinibak ng Gunma Prefectural Board of Education matapos umanong lagyan ng ihi ang bote ng tubig ng isang estudyante noong Mayo 28.

Napansin ng estudyante na may kakaiba sa kanyang bote at sinabi ito sa magulang, na nakipag-ugnayan sa paaralan at pulisya. Ang kaso ng lalaking guro ay ipinasa sa mga prosecutor dahil sa hinalang property damage.

Bagama’t nagkaroon ng kasunduan ang lalaking guro at estudyante, iniulat na nakaranas ang estudyante ng emotional distress at mga problema sa kalusugan. May mga araw din umano na hindi siya makapasok sa paaralan.

em>Source: Yomiuri Shimbun

To Top