Apple warns users of spyware attacks
By
Posted on
Nagbabala ang Apple sa piling iPhone, iPad at Mac users tungkol sa targeted attacks gamit ang tinatawag na “mercenary spyware.” Kapag matagumpay, maaari nitong ma-access ang personal files, conversations, camera, microphone at location ng device.
Karaniwang target ng ganitong sophisticated attacks ang journalists, activists, politicians at diplomats. Nagpadala ang Apple ng notifications sa piling users sa 110 bansa.
Pinapayuhan ang mga makakatanggap ng Apple Threat Notification na i-activate ang Lockdown Mode, na naghihigpit sa ilang messages, links, web technologies, FaceTime calls at device connections upang mabawasan ang panganib ng pag-atake.
Source: IT Media News
