Fire engulfs housing complex in Saitama
By
Posted on
Sumiklab ang sunog sa isang housing complex sa Minuma Ward, Saitama City, nitong Sabado (22). Ayon sa mga awtoridad, nagsimula umano ang apoy sa isang silid sa ikatlong palapag ng gusali.
Bandang alas-10 ng umaga nang makatanggap ng emergency call na nagsasabing may gusaling nasusunog. Nagpadala ang mga bumbero at pulisya ng 14 na emergency vehicle habang nagpapatuloy ang operasyon. Sinusuri rin kung may na-trap o nasugatan. Matatagpuan ang lugar sa isang residential area, humigit-kumulang 1 km mula sa JR Higashi-Omiya Station.
Source: Abema Times
