News

Two workers die in chemical factory

Dalawang lalaking manggagawa, nasa edad 30, ang nawalan ng malay at namatay matapos maaksidente sa isang pabrika ng kemikal sa Yasu, Shiga, Japan. Ayon sa pulisya, suffocation o pagkasakal sa paghinga ang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Nangyari ang insidente noong ika-22 sa Light Chemical Industry. Ang dalawang biktima ay empleyado ng isang subcontractor at nagsasagawa ng polishing work sa loob ng isang cylindrical reactor na ginagamit sa paghahalo ng plastic resin materials.

Iniimbestigahan ng pulisya ang insidente bilang aksidente sa trabaho. Nagpaabot naman ng pakikiramay ang kumpanya sa mga naulilang pamilya.

Source: Kyoto Shimbun

To Top