Foreign workers fill Japan labor gap
By
Posted on
Labintatlong kabataang mula Sri Lanka ang dumating sa Oita upang magtrabaho sa San-ai Group sa ilalim ng Specified Skilled Worker No. 1 visa para sa caregiving sector.
Layunin ng pagtanggap sa mga dayuhang manggagawa na makatulong sa matinding kakulangan ng staff dulot ng tumatandang populasyon ng Japan. Tutulong sila sa paghahanda ng pagkain, paggamit ng wheelchair at iba pang gawain sa ospital at nursing homes.
Mayroon na ring 28 manggagawa mula Myanmar ang grupo. Nangako ang San-ai na susuportahan ang mga dayuhan habang nagtatrabaho at naghahanda para sa national caregiving qualifications, na maaaring magbigay sa kanila ng pagkakataong manatili at magtrabaho nang mas matagal sa Japan.
Source: OAB
