Health

Flu forces class shutdown in Mie

Isang high school sa Yokkaichi, Mie, ang nagsuspinde ng klase para sa second-year students noong Setyembre 1 dahil sa outbreak ng trangkaso.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, 103 sa 320 estudyante ang nakaranas ng lagnat, sore throat at sakit ng ulo. Umabot sa 100 ang lumiban sa klase at 32 ang kumpirmadong may trangkaso.

Ito ang unang school closure dahil sa flu ngayong season sa Mie at ang pinakamaagang naitala sa nakalipas na 10 taon. Pinapayuhan ang mga estudyante na maghugas ng kamay, magpahangin ng mga silid at matulog nang sapat.

Source: Chukyo TV News

To Top